Pasay City West High School

Posts - September 2023

Back
HomePasay City West High School


Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 1, 2023 at 10:29 PM

MASAYANG ORYENTASYON KASAMA ANG KA-SEKSYON!!!


Masiglang binuksan ng mga mag-aaral ang Taong-Panuruan 2023-2024 sa isang oryentasyon sa pamumuno ng bagong punungguro ng Pasay City West High School , G. Agapito Teodoro N. Manaog, kasama ang mga Puno ng mga Kagawaran, mga guro at kawani ng dibisyon at paaralan noong nakaraang Agosto 29 at 30, 2023 sa gymnasium.


Profile Picture
Ulat Kanluran
September 4, 2023 at 1:52 PM
Your voice matters, so use it to advocate for positive change and make a difference.

Hello Westians!

A round of applause for the newly elected SSLG officers for the academic school year 2023-2024. Let us give them a warm welcome as they embark on the path towards a successful academic school year.

The Supreme Secondary Learners Government is here to be the voice of the students and to spearhead the betterment of the school and environment for the westian students.

Key Officers:
Grade 12 Representatives:
Grade 11 Representatives:
Grade 10 Representatives:
Grade 9 Representatives:
Grade 8 Representatives:
Again, Congratulations, SSLG Officers '23-'24!


Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 6, 2023 at 6:14 PM

IPAGMALAKI ANG WIKANG FILIPINO!!!


Matagumpay na idinaos ang pampinid na programa at pagpaparangal sa mga nagwagi sa Buwan ng Wika 2023 sa AVR ng paaralan noong Setyembre 5, 2023 sa pangunguna ng mga guro sa Kagawaran ng Filipino na pinamunuan ni Gng. Bettina D. Amiscaray, puno ng kagawaran at dinaluhan ng mga mag-aaral, guro at puno ng iba't ibang kagawaran.


Profile Picture
Ulat Kanluran
September 6, 2023 at 6:19 PM

Happy National Teachers' Month!!


Ipinagdiriwang natin ngayong buwan ang ating mga gurong handang ibigay ang kanilang puso upang tulungan tayong mga kabataan na makamit ang ating mga nais makamtan sa buhay.

Masasabing sila'y ating mga pangalawang magulang dahil nariyan sila upang maging gabay at maging magandang impluwensya sa loob man o labas ng silid-aralan.

Maraming salamat sa lahat ng inyong ibinahagi sa amin, Ma'am at Sir!

PAGPUPUGAY PARA SA ATING MGA MAGIGITING NA GURO!

Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 7, 2023 at 10:05 PM

DUCK, COVER, HOLD!


Matagumpay na isinagawa ng PCWHS ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa oras na 2:00 ng hapon noong Setyembre 7, 2023 na pinangasiwaan ng School Disaster Risk Reduction and Management Council (SDRRMC) sa pamumuno nina G. Ireneo Macaspag, G. Ignacio Tolentino III, G. Anjo Luciano at G. Jonathan Concha katuwang ang mga miyembro ng Senior Scouts, Red Cross Youth, Batang Emergency Resilience Team (BERT), Parents Teachers Association (PTA) at mga guro ng paaralan.


Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 9, 2023 at 10:04 AM

MALIGAYANG KAARAWAN, MAMA MARY!


Ipinagdiwang sa gymnasium ng paaralan noong Setyembre 8, 2023 ang kaarawan ni Birheng Maria sa misa para sa unang Biyernes ng Setyembre na pinamunuan ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) at Gng. Aracelie Serdana, Puno ng Kagawaran ng Matematika, na dinaluhan ng mga mag-aaral sa ikawalong baitang kasama ng kanilang mga guro.


Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 17, 2023 at 6:29 AM

REBISCO: Saya ng Pagsasama, Sarap ng Bukas, Isang Pagdiriwang sa PCWHS!


Masayang ipinagdiwang ng Republic Biscuit Corporation (REBISCO) ang ika-60 anibersaryo noong Setyembre 15, 2023 sa gymnasium ng PCWHS na pinamunuan ng Brigada Eskwela Team, Supreme Student Government (SSG), G. Agapito Teodoro Manaog, punungguro, at mga guro ng ating paaralan na dinaluhan naman ng mga piling mag-aaral sa Grade 8, 10 at 12.


Profile Picture
Ulat Kanluran
September 19, 2023 at 7:00 PM
Ang sarap nga pala talaga maging bata; ang maging munting musmos na ang hangad ay kasiyahang dulot ng biskwit.

Iyan ang sambit namin matapos matamasa muli ang ngiting puno ng galak sa ating puso kaya't lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng bumuo ng proyektong ito sapagkat dahil dito ay nakakapag balik tanaw tayong muli sa karanasan ng mga batang minsang napawi ng isang biskwit ang lungkot na kanilang dinadala sa buhay.

Buong loob na kagalakan sa Rebisco at Creamline Team, sa pagpapaunlak ng samut-saring biskwit at ice creams na siyang nagpapaalala sa atin kung gaano kasaya at kasarap maging isang bata, kasama ang Republic Biscuit Corporation at Creamline nawa'y sama sama nating ipagpasalamat ang araw na di malilimutan ng mga batang Westian kasama ang biskwit na kanilang kinagagalakan.


Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 26, 2023 at 6:48 PM

KAINANG PAMILYA MAHALAGA DAY NG WESTIANS!!!


Masayang ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng PCWHS kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan ang Kainang Pamilya Mahalaga Day na alinsunod sa Memorandum Circular no. 32 at bahagi ng National Family Week na batay naman sa Proclamation no. 60, s. 1992.

Kaya naman Westians, batiin ang inyong pamilya ng isang Maligayang Linggo ng Pamilya! Para sa hindi kasama ang pamilya, nariyan naman ang inyong mga kaibigan, kaklase at ang komunidad ng PCWHS na tinuturing kayong pamilya. Isang YAKAP NA MAHIGPIT SA INYO!!!!!


Profile Picture
Pasay City West High School
September 27, 2023 at 3:33 PM

PCWHS Parent-Teacher Association Welcomes New Elected Officers!


With the unwavering support of our dedicated school principal, Mr. Agapito Teodoro N. Manaog Principal IV, we are thrilled to announce the successful oath-taking ceremony of the newly elected SPTA – BOD Officers for the School Year 2023 – 2024. This momentous event took place on September 25, 2023, right here at the Pasay City West High School conference room.

Let's give a big round of applause to our newly elected SPTA officers who will be working tirelessly to support our school community:

But that's not all! We also have dedicated Grade Level Representatives and Alternates who will be the voice of their respective classes:
Grade Level Representatives and Alternates:
We're incredibly excited to see the positive impact these dedicated individuals will have on our school community. Join us in congratulating them and wishing them a successful and productive year ahead!


Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 27, 2023 at 8:49 PM

MAYNILAD: Too Big Ang Serbisyo!


Nagbigay ng isang seminar ang MAYNILAD Pasay para sa mga mag-aaral ng PCWHS ngayong Setyembre 27, 2023 sa AVR ng paaralan na pinamunuan ng Wastewater Management Engineers of Pasay Water Reclamation Facility.


Profile Picture
Pasay City West High School
September 28, 2023 at 12:31 PM

Maynilad’s Wastewater Seminar at PCWHS: Promoting Environment Awareness


Maynilad Water Services, Inc. conducted an informative seminar on wastewater management at the Pasay City West High School Audio Visual Room (AVR) on September 27, 2023.

Selected participants, including students from grades 8, 10, and 12, along with members of the SSLG, actively participated in the morning session, while students from grades 7, 9, and 11, participated in the afternoon session.


Profile Picture
Pasay City West High School
September 28, 2023 at 12:53 PM
PCWHS Administrators, Teachers, and Students Commit to Environmental Stewardship at Science Month 2023 Opening Ceremony on September 27, 2023 at PCWHS Gymnasium. The theme of the said event is Siyensa, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan.

Administrators, teachers, and students came together to sign a manifesto, reaffirming their commitment to environmental preservation. This manifesto, titled 'PCWHS Commitment for the Environment,' outlines specific actions that both students and teachers will undertake. These actions aim to minimize the impact of their activities on future generations, promote sustainable development through environmental protection, and emphasize social responsibility.


Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 28, 2023 at 5:38 PM

MaSCI-yang Buwan ng Setyembre!


Masayang ipinagdiwang ang pagbubukas ng Buwan ng Agham (Science Month) na may temang, Siyensya, Teknolohiya at Motibasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan na ginanap sa PCWHS Gymnasium noong ika-27 ng Setyembre 2023 sa pamumuno nina G. Agapito Teodoro Manaog, Punungguro, Gng. Gng. Ivy Tanglao, Kawaksing Punungguro, Gng. Eva Sabarillo, Puno ng Kagawaran ng Agham, mga guro ng Agham at puno ng iba't ibang kagawaran na dinaluhan naman ng mga opisyal ng YES-O PCWHS at mga mag-aaral ng STE at Senior High School.


Profile Picture
Pasay City West High School
September 28, 2023 8:57 PM

Ma-AGAng Pagpupulong sa mga Gurong Westians!


It is my mandate to take care of you and to take care of the school.

Masayang inihayag ito ni G. Agapito Teodoro N. Manaog, punungguro ng paaralan, sa kanyang propesyunal na pulong sa mga guro ng PCWHS katulong sina Gng. Ivy A. Tanglao, Kawaksing Punungguro at Gng. Flexive O. Fontejon, Tagapangasiwang Opisyal, na naganap sa PCWHS Gymnasium, Setyembre 28, 2023; ika-11 ng umaga hanggang ika-2:30 ng hapon.


Additional images are also posted by:
Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 29, 2023 at 5:46 PM

Profile Picture
Ang Haligi - Pasay City West High School
September 30, 2023 at 5:46 PM

SULIT NA SULIT ANG PAGSUSULIT!


Maayos na kinuha ng mga mag-aaral ang kauna-unahang Buwanang Pagsusulit noong Setyembre 28 at 29, 2023 sa tulong at gabay ng kanilang mga guro sa silid-aralan.