Justin LRT Graduate Message
March 26, 2026, 11:45 PM
Justin LRT
Accountancy, Business, and Management
Section 12-B
π Batch 2025β2026
π₯ With honors
ποΈ ABM 12-B Class Public Information Officer
π Bookkeeping NC III Passer
π Champion in Accounting Jingle-making Contest
ποΈ SYNERGY 2.0 Participant
ποΈ Accounting Showdown Qualifier
ποΈ Accounting Jingle-making Qualifier
ποΈ DZXL Radio Broadcasting Participant
Sa loob ng halos anim (6) na taon kong pananatili sa Pasay City West High School, dala ko ang bawat alaala, mula sa bawat tawa π , kwento π°, sayaw πΊ, acting π, pasok at labas ng paaralan π«, performance tasks π, party π₯³, groupings π«π», hanggang sa bawat pagod at tagumpay π. Sa bawat karanasang ito, natutunan ko na hindi lang academics π ang mahalaga, kundi ang mga taong nagbigay liwanag at inspirasyon sa bawat hakbang ko. π
π Sa akin na minamahal na mga high school teachers, taos-puso akong nagpapasalamat kina Ma'am Boncales, Ma'am Bitangol, Sir Monsanto, Ma'am Gali, Ma'am Tianzon, Ma'am Engana, Ma'am Peralta, Ma'am Aguilar, Sir Sajorda, Sir Lopez, Sir Gagarin, Sir Pucolangas, Ma'am David, Sir A. Mabojos, Ma'am Landingin, Sir Macaspag, Sir Isales, Sir Bustos, Ma'am Dela Rosa, Ma'am Cantor, Ma'am Tibon, Ma'am Abedejos, Ma'am Millanes, Sir Batoon, Sir Dizon, Ma'am Villegas, Ma'am Dulin, Sir Ochinang, Ma'am Balaoro, Ma'am Petonio, Ma'am Macuja, Sir Magno, Ma'am Gingo, Sir Gomba, Sir Garcia, Ma'am Soriano, Sir Agupe, Ma'am Detablan, Ma'am Santos, Sir Isidro, Ma'am Magalona, Ma'am Miral, at sa lahat ng ibang guro na aking nakilala. π
Sa bawat pasok, bawat gawain, at bawat gabay po ninyo sa amin ay ramdam ko ang iyong pagsisikap bilang isang guro upang matuto at magabayan kami patungo sa tagumpay. Hindi lang sa academics kung saan doon itinuro ninyo sa amin upang matuto kaming mga estudyante, kundi pati na rin ang kahalagahan sa bawat pagpasok sa school may maidulot na aral na napulot namin. Tuwing kamiβy naguguluhan o nahihirapan sa isang specific na gawain o paksa ay palagi kayong nandiyan upang gabayan, turuan, at protektahan kami upang ligtas kaming makapag-aral at makapag-tapos. π
Bawat announcement, bawat salita, bawat gabay, at bawat turo sa amin ay mahalaga sa amin mga estudyante. Ang lahat ng inyong itinuro at iniwan sa amin ay mananatiling bahagi ng aming pagkatao, magsisilbing gabay sa bawat pagsubok at tagumpay na darating sa aming buhay. π«Ά Maraming salamat po sa lahat ng guro sa inyong oras, pagtuturo, at pagmamalasakit sa amin. Sa loob ng ilang taon sa walang sawang pagtuturo ay hindi na namin makakalimutan ang mga aralin at ang mga kasiyahan na tumatatak sa amin. Hindi lang po sa aralin namin natututo, kundi pati na rin sa pagiging mabuting tao. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong gabay at payo sa bawat araw. Lahat ng aral na ibinahagi ninyo ay mahalaga sa amin. Ang bawat pagkakamali namin ay tinutulungan ninyo kaming maitama, para matuto at maging responsable at handa sa aming susunod na mga pagsubok. π
β€οΈβπ©Ή Sa mga kaklase at kaibigan ko noong Junior High, salamat sa bawat pagkikita, bawat pagbati, bawat kwento, at sa mga sandaling nagpagaan sa bawat araw ng klase. Mula sa isang maliit na piraso na papel na nakapaskil sa school ay dito nagsisimula ang mahaba nating pakikipagsama at pagkakibigan. Isipin na nasa 60+ tayo sa loob ng isang classroom, masikip, mainit; pero memorable, maraming makakausap, maraming magkakaibigan, maraming nagkakagusto sa akin. Dito nagsimula ang lahat, kapag nakilala ka sa unang araw ay alam na nila hanggang ngayon, kahit ito'y nagsimula sa maliit na papel ay tumatatak sa akin ang maraming alaala. π
Hindi lang nagtatapos dyan, kundi sa inyong pagsuporta sa akin para maitulak ako sa career na gusto kong maabot kahit sa panahong sikat na sikat ako sa school natin ay hindi nating malilimutan ang bawat oras sa pagkikita kahit saan, kahit kailan. Nagiging matagumpay ako dahil sa patuloy ninyong suporta, hindi lang sa paggawa ng activities kundi maging sa simpleng bagay na nagugustuhan ko kahit maraming taong nakilala at naging bahagi ng buhay ko, pinili kong manatiling nakatuon sa aking mga pangarap, kahit maraming gustong magkaibigan sa akin, ang mahalaga ay maging matagumpay, may pinag-aralan, at may malasakit sa kapwa. Ang bagay na laging tumatatak sa akin ay ang bawat labas ko sa classroom ay todo salubong ninyo sa amin bilang pagsuporta sa unang release ng kanta ko.
β€οΈβπ©Ή Sa mga kaklase at kaibigan ko ngayong Senior High, nais ko ding magpasalamat dahil nakilala ko kayo at nakasama ko kayo. Dito ako nagkaroon ng mga taong patuloy akong sinusuportahan sa lahat ng bagay ay aking makakaya kahit sa bagay na hirap na hirap ako ay naroon kayo upang gabayan ako, kahit ako'y nahihirapan ay nariyan pa rin kayo. Sa loob ng halos dalawang taon ay natuto ako kung paano ko kayo mahalin bawat isa sa inyo, kahit maraming may interes sa akin, ang importante ay ang magiging tunay at marunong magkikisama. Nagsimula sa isa na namang papel na nakapaskil hanggang sa may nagkakagusto sa akin ay dito ko na naramdaman kung gaano kayo ka-supportive sa akin, di bale magkaiba tayo ng strand basta nandito ako para puntahan ko kayo at magkita tayo paminsan minsan. π
β€οΈβπ©Ή Sa mga kaibigan at naging kaibigan ko sa Junior High, lubos din akong nagpapasalamat sa inyo dahil sa inyong walang sawang pagsuporta sa akin. Minsan lang ako pumupunta sa inyo sa mga building ninyo at minsan nagkakasalubong tayo sa hallway ay dito nagsimula ang tunay natin pagkakaibigan. Kahit magkaiba tayo ng grade level ay nandito pa rin ako at patuloy pa rin akong nagmamahal sa inyo. Kahit wala na ako sa ating school ay ito ang sasabihin ko na huwag aksayanin ang panahon at may taon pa kayong pananatili sa school natin. Kahit wala na ako sa school, maging memorable pa rin ito sa atin. π
π₯° Sa mga best friends na kaklase ko sa ABM 12-B na sina Christine, Kurt, Sophia, Wilcor, Marcky, Heart, Jissa, Simone, Fiona, Leona, Jonathan, Hannah, Stephanie, at Althea, maraming salamat sa samahan, tawa, at suporta sa bawat araw na nasa school tay. Kayo rin ang nagpatulak sa akin upang magiging successful ang graduation at bawat araw ay mas masaya. Ang bawat kwentuhan, pagtutulungan, ingayan, at tawanan natin ay hindi ko malilimutan, at mananatili sa aking puso. Kahit hindi na tayo sa college ay naririto pa rin ang magagandang alaala, aral, at saya na ipinapakita natin, sa bawat kalokohan, sa bawat pa-baby, sa bawat yakap at halik, ang samahan natin ay bahagi ng pagiging friendship natin. π
π₯° Sa mga kaklase kong na co-officer sa ABM 12-B na sina Lucyl, Merrygrace, Courtney, Marian, Ninia, Trisha, at Aprillyn, thank you din sa inyo dahil na-maintain natin ang kaayusan ng ating classroom at palaging updated tayo na magiging π»ππΊπ―π²πΏ 1 ang section natin. Hindi lang sa pagiging officer ng klase, kundi sa di malilimutan nating pagsasama-sama at pagkakaibigan sa bawat kwento at aral natin, at bawat hamon sa buhay ay nilalagpasan natin. Na-appreciate ko naman ang iyong suporta sa akin para sa di malilimutang party at event sa klase natin. π
π₯° Sa mga best friends ko simula Junior High na sina Noeme, Adelah, Eunice, France, Prince, Kent, Johann, Charade, Almosara, Generose, Angel, Divine, Sahara, Marion, at Chardell, salamat sa paglaan sa maraming taon natin bilang magkakaibigan, sa bawat pagsubok sa hinaharap ay nandito kayo para magtulungan at sa iyong suporta sa akin hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makakalimutan. Kayo lang ang nagpatulak sa akin tungo sa tagumpay dahil kayo ang magiging mabuting kaibigan ko. Hindi lang sa academics, kundi sa iyong tagapagsuporta sa aking career. Minsan lang kayo napupuntahan ko para kumustahin ko kayo, pero hindi lang simpleng punta, kundi para balikan ang nakaraan. π
π Para kay Aliyah, simula't sa simula ay ikaw na ang unang best friend ko, hanggang sa magiging ikaw ang aking long time high school crush ko βΊοΈ. Sa bawat oras, bawat araw ay hindi kitang makakalimutan. Bawat bigay ko sayo ay may halaga π·. Hindi kitang palampasin, kundi sa ikabubuti natin. Bawat punta ko sayo ay hindi dahil may gusto ako sayo, kundi magiging parte sa friendship natin. Bawat salita, payo, at kilos ay mahalaga, at sa loob ng halos tatlo't kalahating taon, tayo ay nagkikita pa rin. Hindi lang isang simpleng pagkita, kundi may malalim at marami pang mga alaala na hindi nating malilimutan. Ikaw lang ang taong napili ko dahil sa sobrang galing, mabait at malikhain na hindi kayang matulad sa iba. Kahit medyo nahihiya tayo π€, ang importante ay nagawa na natin habang nasa high school pa tayo, sinulit natin at hindi nasasayang. Ikaw pa din ang nasa puso ko at di ka pa rin makakalimutan bilang nag-iisang mahal kong best friend. π
β€οΈ Kay Janine β one of my Junior High best friends, thank you din sa'yo dahil sa bawat pagkita natin, sa bawat kwento, sa bawat problema, at sa bawat hamon at pagsubok sa hinaharap ay nilalagpasan natin. Minsan nagkasalubong lang tayo sa hallway at dito tayo nagkaroon ng di malilimutang samahan. β¨
β€οΈ Kay Mie, Carla, Ysabelle, at Jessica β my friends in Junior High, salamat din sa inyo kahit minsan lang kita nakikita ay magkaibigan din tayo. Nagsimula ito sa isang matagumpay na music video at hanggang ngayon ay di natin makakalimutan ang bawat pinag-uusapan natin. β¨
Sa aking mga class advsers na kina
β€οΈ Ma'am Boncales, maraming salamat po sa iyo na ikaw po sa isa kong best teacher sa lahat. Sa mahabang panahong pananatili ko sa school ay hindi po kita makakalimutan at bawat turo po ninyo ay mahalaga para sa amin, hindi lang magaling sa pagtuturo kundi sa iyong gabay kaming mga estudyante ng GRADE 9 - KAMAGONG batch 2022β2023. Hanggang ngayon, kahit wala na ang mga dati kong classmates, andyan ka pa rin para sa aming mga estudyante.
π Ma'am Bitangol, maraming salamat po dahil sa loob ng eksaktong 9 na buwan nating pagsasama sa loob ng klase ay hindi ko makakalimutan ang bawat turo, bawat group activity, at bawat projects na ipinapagawa nyo po sa amin ay tumatatak sa aming isipan. Sa bawat hamon na kinakaharap ay nariyan ka po upang matulungan nyo po kami sa mabuting asal at sa magiging matagumpay bilang completers ng GRADE 10 - LAPULAPU batch 2023β2024. Hanggang ngayon ay minsan lang tayo nagkasalubong saan man, hindi lang isang salubong at bati, kundi maibalik po ang alaala na pwede mapulot na leksyon na ipinarating po ninyo sa amin.
π Sir Monsanto, ikaw po ang isa sa mga favourite teacher ko dahil ikaw po ang teacher na napapagaan sa pakiramdam ko. Sa bawat turo, bawat saya, at sa bawat kwento ay hindi naming makakalimutan. Minsan lang po tayo nagkikita ngunit maraming alaala na tumatatak sa akin at ikaw din po ang nagpasaya sa amin ng GRADE 11 - ABM C batch 2024β2025. Salamat po sa bawat turo nyo po dahil may natutunan na po kami, kahit mahirap ang ibang mga topic at pwedeng balikan, ang importante ikaw po ang isa sa teacher ko na nagpasaya sa buong section natin.
π§‘ Ma'am Gali, maraming salamat din po sayo dahil ito na po ang panahong para ilaan nyo po sa amin sa huling 9 na buwan na pananatili namin sa school. Ikaw lang po ang teacher na laging nagpapalibre at nagpapasaya sa amin GRADE 12 - ABM B batch 2025β2026. Bawat linggo may fun time sa oras ng homeroom, bawat lesson sa accounting at finance ay naapply namin, at bawat pagkikita po natin ay mahalaga sa amin. Ikaw lang din po nagpatulak sa akin noong hirap na hirap ako sa unang accounting cycle bookkeeping activity π§Ύ at ito po ang magiging unang remedial ko sa high school, patuloy nyo po kaming sinasanay at naging matagumpay akong nakapasa sa BOOKKEEPING NC III nang dahil po sayo. Hindi lang po sa iyong pagiging section adviser, Grade 12 coordinator, at teacher sa ABM, kundi magiging tagumpay namin mga estudyante patungo sa kinakabukasan. Dito ko po natutunan na maraming aral ang napulot na nadala ko po, kahit may ibang topics na sobrang mahirapan kami ay nagiging matagumpay dahil madalas sa una lang ang mahirap at magiging madali sa darating ng mga panahon kung saan pwedeng balikan ang mga talakayan, dapat laging balanse ang debit at credit. Bawat knock knock π sa klase ay hindi namin makakalimutan dahil ikaw po ang nagpapasigla sa amin. Ikaw din po ang isa sa mga favorite teacher ko dahil sa maraming panahon at pagsubok na hindi ko makakalimutan. #BestAccountantistas
π At hindi lang sa mga section advisers ko, kundi pati na din si Binibining Mamshie na si Ma'am Mary Trisha Abedejos, thank you po sa pagiging teacher namin at ikaw na po ang isa sa favorite at best teachers ko, at ikaw po ang pangalawang ina namin sa Senior High. Ang iyong gabay at pagmamahal ay iba sa aming buhay. Ginagabayan nyo po kami hindi lang sa pang-akademiko kundi personally, reminding us na mananatiling malakas, mabait, at may puso. Tunay kaming pinagpala na magkaroon ka, at dadalhin namin ang iyong mga aralin at pag-ibig saan man kami magpunta. Ikaw #GrowthMindset πππ«Ά
Sa aming minamahal na School Principal na si Sir. Agapito Teodoro N. Manaog, at sa aming mga Assistant Principals na sina Ma'am Ena R. Tamayo at Ma'am Rosa R. Alferez, maraming salamat po sa paggabay at pagtuturo sa amin, at sa pagtulong na maabot namin ang pagtatapos ng aming araw sa pananatili sa high school. π
π Sa mga estudyante at kaibigan ko sa ABM, thank you dahil natulungan nyo ako sa mga hamon na kinakaharap natin at sa mabuting pagkakaibigan natin. Dito tayo nagkaroon ng magandang pakikipagsama at magkaroon ng teamwork para sa mga major events sa school natin. Kayo din ang nagpapasaya sa akin sa tuwing araw na hindi tayo busy sa gawain upang ilaan ang oras para sa pagkakaibigan natin.
π§‘ Sa mga estudyante at kaibigan ko sa HUMSS, salamat din sa inyo na itong strand na ito ang lagi kong pinupuntahan dahil marami akong kaibigan dito. Dito ko kayo nakilala at maging mabuting kaibigan ko, kahit magkaiba tayo ng strand na pinapasukan natin ay hindi ko kayo makakalimutan. Ito ang unang beses ko magkaroon ng collaboration sa inyo tungkol sa music video upang makuha ko ang panig ninyo, at sa bawat pasok ko sa room ninyo ay dito ko na kayo nakilala kahit nakalimutan ko na ang mga pangalan ninyo ay kilala ko pa rin kayo.
π Sa mga estudyante at kaibigan ko sa STEM, kahit bihira lang tayo nagkikita dahil wala akong ka-close dyan, salamat pa din ako sa inyo dahil last year sa tuwing pumapasok ako sa room ninyo ay todo sigaw ang natatanggap ko na na-appreciate ko na kilala ninyo pa din ako at sa patuloy sa suporta ninyo.
π Sa mga estudyante at kaibigan ko sa HE, lubos akong nagpapasalamat sa inyo dahil itong strand na ito ang kilalang kilala ako sa buong Senior High. Marami ang may gusto sa akin at minsan tinatanggap ko na lang, dahil gusto ko din na magiging friends din tayo. Sa bawat punta ko sa 3rd floor ay todo salubong sa akin at nakikita ko naman na napakatodo ang iyong suporta sa akin. Sa bawat ingay at usap natin ay mahalaga sa atin, hindi lang tungkol sa career ko, kundi kung may gusto kayo sa akin.
π Sa mga estudyante at kaibigan ko sa ICT, bihira ko lang kayo puntahan at nagpapasalamat pa rin ako sa inyo dahil tinutulungan ninyo ako tungkol sa pinag-aralan ninyo sa strand ninyo at ang ating mabuting at matagal nating pagkakaibigan. Sa bawat punta ko, bawat ingay, at bawat pasok ko dyan sa room ay hindi lang simple kundi magiging memorable na din ito sa atin.
π« Para sa lahat na nasa Pasay City West High School, thank you din sa iyong walang sawang suporta sa akin kahit hindi ko kayo masyadong kilala at least kilala ninyo pa rin ako, at ito ang nagsisilbing isang historical achievement sa school na mula noong sumikat ako sa Pasay City West High School noong Grade 10 ako ay hanggang ngayon ay hindi nyo pa rin ako makakalimutan. Na-appreciate ko din ang pagpunta sa classroom ko ng iilang students upang suportahan ako at lagi ko naman din kayo nakikita. Sa huli, maraming salamat sa tatlo't kalahating taon na pakikipagsama sa loob ng school. ππ₯°
π©π» Para sa aking minamahal ko na si mommy, taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong pagmamahal, gabay, at paniniwala sa akin. Sa bawat problemang hinaharap ko, nanrito ka po para ako'y matulungan upang magpatuloy. Hindi ko po malilimutan ang inyong sakripisyo at walang sawang panalangin para sa akin. Naniniwala kayo sa akin kahit nagdadalawang-isip ako sa sarili ko, sumusuporta kahit mabigat ang pressure, at minamahal ako sa mga paraan na hindi kayang ipaliwanag ng salita. Lahat ng ako ngayon ay dahil sa inyo, at bawat pangarap na nakamit ko ay para sa inyo Iloveyousomuch!! ππ
Salamat po sa Inyo, Panginoon, sa biyaya, lakas, at gabay sa bawat araw ng aking buhay. Sa lahat ng kakaharapin at tagumpay, hindi po ako nag-iisa dahil sa Inyong pagmamahal. Patuloy po kayong nagbibigay sa akin ng lakas at tapang upang harapin ang mundo. ππ
Sa pagtatapos sa 6 na taon na pananatili sa high school, dala ko pa rin ang lahat ng natutunan, alaala, at biyaya na ibinigay sa akin mula sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa loob ng maraming taon, natutunan ko na kahit simpleng building at school lang, dito tayo nag-aaral at magkaroon ng masasayang alaala; sa lahat ng mahal ko, sa kada taong nakasalubong ko ay nagiging kaibigan π₯°, kahit libo pa ang nasa school, sa bawat activity π, sa bawat project π, sa bawat event π, sa bawat araw nalilipas, sa bawat practice, sa bawat ingay π’, kalokohan at mga biro π , sa bawat magaganda at pogi π«π», sa bawat crush π, sa bawat singer π€ at dancer πΊπ», sa bawat party π, sa bawat prom π―ββοΈ, sa bawat graduation π, sa bawat certificate at recognition π, sa bawat perang nagagastos π΅, at magagagandang alaala π na nakikita natin, naririnig, at nagyayari na sa loob ng mahabang panahon sa pananatili sa Pasay City West High School na hanggang ngayon ay tumatatak sa akin. ππ«Ά
β¨ Ngayong nagtatapos na ang aking high school journey, bitbit ko ang bawat aral, alaala, at pagmamahal na natutunan ko mula sa taong nakapaligid sa akin. Ang bawat araw na nagawan natin na natanggap ko ay nagsilbing gabay na magbibigay direksyon sa aking kinabukasan at pangarap sa buhay. π
π Habang hinaharap ko ang bagong yugto sa buhay, dala ko ang lahat ng inspirasyon at suporta na aking natanggap. Ang bawat tagumpay na makakamtan ko ay dahil sa mga taong nagbigay halaga sa aking pag-unlad at paniniwala sa aking kakayahan. Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng aking paglalakbay mula sa puso ko, sa bawat sandali at bawat hakbang na nagturo at nagpatatag sa akin. β¨
CONGRATULATIONS sa ating lahat, NAGAWA NA NATIN ITO!!! π₯³
Thank you so muchhhh, Pasay City West High School!!! ππ
THIS IS THE END OF HIGH SCHOOL ERA
October 5, 2020 β March 24, 2026 (full)
August 22, 2022 β March 24, 2026 (face-to-face)
i am Justin LRT π
Class Public Information Officer, ABM 12-B
Is now signing off