Justin LRT songs

Kinupit Dahil Sa Korapsyon

Lyrics

Back
HomeJustin LRT songs
Kinupit dahil sa korapsyon
Ang dami nang liabilities
Marami na ang ninakawan
Bilyon bilyong piso ang nawala

Mga assets, saan napunta
Mga kurakot talaga
Nagbabayad kami ng mga tax
Pero wala ring napala

Kinupit simula pa umaga
Pagnakaw hanggang gabi
Pahirap daily sa bayan
Korapsyon walang patid
Nasaan na ang pondo ng mga ghost projects
Kinupit tayo dahil sa korapsyon

Kinupit dahil sa korapsyon
Nasaan na ang pondong totoo
Gumising na ang mga natulog
Sobrang laki ng halaga

Ang dami n'yong declared assets
Puno ng liabilities
Para sa mga taumbayan
Pero napunta sa iba

Kinupit mula sa umpisa
Pagnakaw, araw-gabi
Pahirap daily sa bayan
Korapsyon all the time
Nasaan na ang pondo ng mga ghost projects
Kinupit tayo dahil sa korapsyon

Sunod-sunod na mga lindol
May paparating na namang bagyo
Puno na ng mga sakuna
Walang tigil sa pag-kurap

Kawawa ang taumbayan
Sirang-sira na kami
Lalo lang tayong napahamak
Walang saysay ang pondo

Kinupit mula umaga
Pagnakaw hanggang gabi
Pahirap daily sa bayan
Korapsyon hindi pa tapos
Nasaan na ang pondo para sa taumbayan
Kinupit tayo dahil sa korapsyon

Accounting, dinadaya na ang talaan
Dulot ng mga korapsyon
Debit, Credit, at may Kupit
Hindi na tuloy balanse

Iba na ang lumabas
Sa mga Financial Statements
Kaya pala tayo naghihirap
Dahil nangugupit sila

Kinupit kahit audited
Pagnakaw kahit reviewed
Pahirap daily sa bayan
Korapsyon kahit saan pa
Nasaan na ang pondo para sa taumbayan
Kinupit tayo dahil sa korapsyon

Kinulong ang inosente
Buhay pa ang magnanakaw
Hindi na patas ang lipunan
Lubog na sa mga utang
Bakit ang magnanakaw ay hindi pa ring nakulong
Kinupit tayo dahil sa korapsyon

Aka-accounting in the morning
Aka-aka-accounting in the night
Kinu-kupit-kupitan araw-araw
Kinu-kupit-kupitan all the time
Nasaan na ang pondo para maiayos ang bansa
Kinupit tayo dahil sa korapsyon

Aka-accounting sa umaga
Aka-aka-accounting sa gabi
Kinu-kupit-kupitan araw-araw
Kinu-kupit-kupitan all the time
Ayusin na, umunlad na, para gumanda ang buhay natin
Kinupit tayo dahil sa korapsyon

Manggurakot na politiko
Ipatalsik at ipakulong

Manggurakot na politiko
Ipatalsik at ipakulong

Debit, Credit, Kupit